Akala ko nung una kapag sinabi ang kasabihang ito dyan na
nagsisimulang magbinata o magdalaga ang isang tao. Dun daw nagsisimulang
mambabae ang husband pero iba pala, Nagmumurang kamyas daw ang mga babae. Hindi pala .Yun pala dito mo na mararamdaman ang lahat.
Takot – kasi marami ka nang nararamdaman na sumasakit sa
iyong katawan. Sa edad palang ito nagsisimula lumabas lahat ng sakit kaya dapat ready
tayo.
Kaya, I decided na kumuha ng health cards and lifeplan just to get ready...
First , dahil nga dito ka maraming nararamdaman, kumuha ako
ng Fortune Care Insurance for all the
members of the family. Pikit mata kong tinatanggap ang laki ng deductions kasi
nga mahirap na in case of emergency wala kang dudukutin. Ang Free hospitalization
ay laking tulong sa akin nang ma
hospital ang anak ko dahil sa hika. Paano na lang kung wala akong Health Card? Tiyak umuusok ang cp ko kakatawag to seek financial help from my friends and
relatives. Napakinabangan na rin ng
husband ko nang nagkaroon sya ng problem sa mata, ang daming ginawang test that is charge to healthcard.
.
Second , kumuha na
rin ako ng life plan insurance kasi whether we like it or not doon tayo lahat
papunta. St. Peter Life Plan naman ang
sagot dito, kaya kumuha ako for my parents and for us, too.
Actually na experience ko na sa Daddy Boy ko. Naghihinagpis
ka man, yung pagkawala lang nya ang iniiyakan mo dahil meron na rin syang plan.
Nakabawas sa mga iniisip mo, alam nating mahirap ang mamatayan lalo na at wala
kang hawak na pera, di mo alam kung saan
ka magsisimula.
Kaya preparing for what will happen in the future is not
bad, indeed it is of great help...